NAGING usap-usapan kamakailan ang bayan ng Culasi sa hilagang bahagi ng Antique. Dinadagsa ng mga bisita, mga dayuhan at mga lokal ang munisipalidad na binubuo ng 44 na barangay, na tatlo sa mga ito ay islang barangay.

Ang nabanggit na tatlong isa ang pangunahing dinadayo sa lalawigan.

Ibinahagi ng tourism officer ng Culasi na si John-John Sumanting ang mga record ng Tourism Office at ibinunyag na sa ikatlong quarter ng taon, may kabuuang 57,697 ang naitalang bumisita sa lugar.

Ano nga ba ang mayroon sa Culasi, partikular na sa tatlong islang barangay, para higit na makilala kaysa ibang bayan ng Antique?

Biniyayaan ang Culasi ng 18-kilometrong dalampasigan, at para sa lahat, maaari itong mangahulugan ng malaking kapahamakan, lalong-lalo na sa mga panahon ng malalakas na bagyo.

Totoo na ilang kalamidad na ang tumama sa Culasi at humarap na sa mga pagsubok ang mga lokal na opisyal para iligtas ang kanilang nasasakupan, paglilikas, pagsasalba at pagpapanatili ng araw-araw na pagkain at ang nakakalungkot, ito ang nakababawas sa kanilang pondo.

Mahusay ang naging ideya ng kanilang dating alkalde na si Joel A. Lomugdang, nang makahanap ito ng solusyon sa paulit-ulit na problema. Sa katotohanan, matatag ang mga Culasino ngunit para kay Mayor Lomugdang, hindi katanggap-tanggap na hayaan na lamang ang mga tao, partikular ang mga walang sariling tahanan na nakatira malapit sa baybayin na magdusa sa epekto ng mga kalamidad.

Ang solusyon na ito ay ang pagtatayo ng sea wall na halos isang kilometro ang haba at pinatibay ng mga konkretong materyales.

“A concrete sheet piles buried to a depth of 2.40 meters below sea level with a height of 2 meters from the natural ground with reinforced concrete column spaced at 3.0 meters on the center could spell the difference,” paniniwala ng inhinyero ng istruktura.

Kaya nagsilbing proteksiyon sa kalamidad ang sea wall. Bukod sa nakaliligtas ito ng buhay, naging pangunahing atraksyon ito ng mga lokal at dayuhang turista. Sa kadahilanang nagsisilbi itong jump off point mula sa mainland Culasi papunta sa tatlong magagandang islang barangay na Mararison, Maningning, at Batbatan. Nagiging daan rin ito para sa mga economic activity ng tatlong isla.

Maaari rin itong magamit ng mga turista para matunghayan ang nakakamanghang Culasi sunset, tumakbo, magbisikleta, maglakad, mag-relax at iba pang aktibidad. Sa gabi, kumakain ang mga tao rito, o makapagpahinga at damahin ang simoy ng dagat at i-enjoy ang magandang tanawin habang nakikipag-usap sa mga kaibigan.

Isandaang porsiyentong ligtas ang sea wall, kahit sa gabi dahil may mga CCTV na nakalagay dito.

Sa ngayon, ang sea wall na sa una’y naging paraan para protektahan ang mga residente na nakatira malapit sa baybayin, naging progresibong lugar ito at naging masigla ang pangkabuhayan ng lugar sa pagbisita ng dumadaming turista. Ang mga turista ay nakakapagbigay-kita sa mga may-ari ng bangka, mga nagtitinda sa palengke, at mga homestay operator sa tatlong isla. (PNA)