cherie-gil-copy-copy

SA GMA Network naman ngayon may bagong programa ang mahusay na actress/kontrabida na si Ms. Cherie Gil. Siya ang kalaban ni Dingdong Dantes sa action drama na Alyas Robin Hood na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia.

Masarap kausap si Ms Cherie, at open siyang sumagot sa mga tanong.

“I’m also doing a historical movie titled At Thousand Tears, the life story of the founder ng Girl Scouts of the Philippines,” kuwento ni Cherie. “And I will be doing a stage play, ang Vanya & Sonia, Mashia & SpikE for Repertory Philippines, it will be my ode to Baby Barredo and Joji Velarde, and of course to Biboy Amador, because I happen to be a part of it.”

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Paalis din si Ms. Cherie for New York.

“I’m leaving for New York to see my kids. I’m happy and blessed at gusto kong i-share ito sa mga anak ko,” nakangiting kuwento ng mahusay na aktres.

Agad siyang naging seryoso nang tanungin tungkol kay Andi Eigenmann.

“Yes, I’m aware of my Andi, I’m aware of all of them,” aniya.

At nang tanungin siya kung alam ba niyang si Jake Ejercito nga ang tunay na ama ng anak nito...

“I think I’m not in the right position to be asked that question and it’s insulting for me. Ask Andi, she has her story to tell,” at sinabayan niya ng talikod ang kausap niya.