Ni NITZ MIRALLES

Julia Montes
Julia Montes
IN-ANNOUNCE ng Cornerstone Entertainment via social media na talent na nila si Julia Montes.

“A new day, a new beginning. Welcome to Cornerstone, Julia Montes! Cornerstone is honored to be your new home. Excited for all the possibilities,” saad ni Erickson Raymundo sa kanyang personal Facebook account.

Ang tsika, maayos ang pag-alis ni Julia sa Star Magic dahil maayos siyang nagpaalam kay Mr. Johnny Manahan. Career move raw ang dahilan ng paglipat ni Julia sa ibang talent agency.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya lang, may sitsit na may kinalaman si Coco Martin sa pag-alis ni Julia sa Star Magic.

Ang actor daw ang nag-pull out kay Julia sa Star Magic dahil gusto na nilang aminin ang kanilang relasyon, pero hindi nila ito magagawa hangga’t nasa Star Magic ang dalaga.

Hindi puwedeng sabihing gimik ang ginawa nina Coco at Julia dahil parehong mataas ang rating ng Ang Probisyano at Doble Kara, ang respective shows nila sa ABS-CBN. Gusto na lang talaga nilang umamin.