xian-at-kim-copy

DIRETSAHANG inamin ni Kim Chiu na hindi na niya dapat pang hanapin ang kanyang Mr. Right. Matagal-tagal na rin daw niyang itinigil ang paghahanap dahil naramdaman na niyang nasa buhay na niya ang karapat-dapat niyang tawaging Mr. Right. Siyempre, ang tinutukoy ni Kim ay si Xian Lim, ang lalaking ayon sa kanya ay nagtataglay ng lahat ng qualities na hinahanap niya sa lalaki. “Well, si Xian ngayon ang Mr. Right.

Siya talaga ‘yung ‘tinatama ang lahat, ‘yung pinapasaya, pinapa-inspire, ‘yung tawa ka lang nang tawa,” sey ng sikat na Kapamilya actress. Tiyempo namang katatanggap ni kim ng kanyang Push Gram Music Award para sa tagumpay ng kanyang hit song na Mr. Right.

Kampante si Kim kahit inihayag kamakailan na hindi muna sila pagtatambalin ni Xian sa kanilang susunod na projects.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi problema sa kanya kung magkaroon man sila ni Xian ng ibang partner. “Parehong naman kami ni Xian na open kami kasi hindi naman na kami na teenagers.

Ang dami na kasi ngayong mga teen love teams, nasa mid-twenties na kami, so huwag na tayong makisali doon,” banggit ng magaling na young actress. Kaya kung ano ang ibigay na trabaho sa kanila, dapat nilang tanggapin. “Sa totoo lang naman, kung ano ang ibigay sa ating trabaho, eh, ‘yun lang.

Siyempre nagpapasalamat kami sa mga sumusuporta na solid talaga sa amin,” lahad pa ng aktres. Binanggit din ni Kim na may posibilidad na magkakatrabaho silang muli ng dating boyfriend at ka-love team na si Gerald Anderson. Pareho naman daw kasi silang nasa iisang network. “Well, trabaho is trabaho. Kung ano ang ibinigay ng management sa amin, eh, dapat lang na gawin namin.

Kumbaga, professionalism dapat ang mananaig, di ba,” sabi sa amin ng magandang tsinitang aktres. (JIMI ESCALA)