NATUKLASAN ng mga mananaliksik na Australian ang isang paraan upang isailalim sa genetical engineering ang kanin na makapagbibigay ng makabuluhang benepisyo sa kalusugan sa mahigit sa kalahati ng kabuuang populasyon ng mundo.

Nadiskubre ng isang pag-aaral na isinagawa sa University of Tasmania, at inilathala sa National Academy of Sciences, ang isang paraan para mapataas ang taglay na resistant starch ng kanin, na makatutulong upang mas medaling matunaw ito at magresulta sa mas mababang rate ng diabetes at obesity.

Inihayag ni Steven Smith, pangunahing awtor ng pag-aaral at foreign expert sa gobyerno ng China na hinirang para magtrabaho sa mga crop improvement project ng Chinese Academy of Science, na ang pagdami ng resistant content ng kanin ay nakapagbibigay sa “designer” rice ng maraming dagdag na benepisyo sa kalusugan.

“We have discovered that we can increase the amount of resistant starch in cooked rice, which could provide health benefits for a large number of people in Asia and beyond,” sinabi ni Smith sa media kahapon.

“The same approach can be adapted for use in other cereals, including wheat. Not only can it have benefits for diabetes and obesity, but also for disorders of the bowel including cancer.”

Ang kanin ang pangunahing pagkain ng higit sa kalahating populasyon ng mundo, at pangunahing nagbibigay ng calories sa tao.

Sinabi ni Smith na habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong may diabetes at obesity sa mga bansa sa Asia, ang kanyang “designer rice” ay maaaring maging paraan para tumulong na limitahan ang mga problema sa kalusugan.

Aniya, ang starch ay complex carbohydrate na tanging gawa sa glucose, na maaaring makapagdulot ng “sugar hit” kapag mabilis itong natunaw.

“Not only does resistant starch reduce the likelihood of a ‘sugar hit’ but it also reduces the appetite and promotes the growth of the healthy microbes,” dagdag ni Smith. (PNA)