janine-copy-copy

SI Janine Gutierrez mismo ang nagkumpirma na break na sila ni Elmo Magalona sa interview sa kanya ni Nelson Canlas na umere sa 24 Oras. 

In fairness, kalmado at nakangiti pa si Janine nang ikuwento na wala na sila ni Elmo after two years of being together.

“Mahirap kasi we have a different schedule and he is in a new place. We have to find a common schedule. We both decided na tapusin na lang ang relasyon namin. Kahit ‘di na kami, hindi magbabago ang samahan namin dahil may pinagsamahan kami. I wish him all the best,” pahayag ni Janine.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa sinabi ng dalaga, obvious na isa sa naging problema ng relasyon nila ni Elmo ang kanilang schedule. Mahirap talaga kung magkaiba kayo ng network at magkaiba ang inyong mga katrabaho.

Kung maaalala ni Janine, noong kalilipat ni Elmo sa ABS-CBN at nang i-love team ito kay Janella Salvador, sinabi na ng press people sa kanya na maghanda siya dahil magbi-break sila. Hayan, nagkatotoo ang sinabi ng press.

Anyway, tuloy pa rin ang love team nina Elmo at Janella sa isang episode ng Wansapanataym. Si Janine naman ay balik-tambalan kay Aljur Abrenica sa Usapang Real Love o URL ng GMA-7 sa episode na “Relationship Goals” na airing sa November. (NITZ MIRALLES)