SAN PASCUAL, Batangas – Isang 29-anyos na lalaki ang nagbaril sa noo matapos siyang hiwalayan ng nobya niya sa nakalipas na limang taon, sa loob ng kanyang silid sa Barangay Del Pilar sa bayang ito, nitong Huwebes ng umaga.

Kinumpirma nina SPO1 Francisco G. Bonado, Jr. at PO1 Mark Kevin R. Panganiban, na nagpatiwakal si Darwin C. Igup, binata, walang trabaho, at residente sa nasabing lugar.

Dakong 8:30 ng umaga nang natagpuan ni Adelaida Igup ang anak na duguang nakahiga sa kama habang nagdurugo ang ulo, katabi ang isang improvised air gun riffle.

Ayon sa mga kaanak ni Darwin, dumanas ng matinding depression ang binata matapos itong hiwalayan ng nobyang si Manilyn. (Danny J. Estacio)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder