BAMBAN, Tarlac - Sa Ospital Ning Capas bumagsak ang tatlong motorcycle rider at isa pa matapos na magkarambola ang kanilang mga motorsiklo sa highway ng Barangay Anupul sa bayang ito, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PO2 Jovan Yalung ang mga biktimang sina John Carlo Sison, 25, driver ng Yamaha Crypton motorcycle (OO- 9630), ng Mabalacat City, Pampanga; Ramiel Toraja, 33, driver ng Suzuki Smash, taga-Capas, Tarlac; Efren Mendoza, Jr., 38, driver ng Kawasaki Fury (XY-9118); at back rider ni Mendoza na si Rowena Sibulanco, 38, may asawa, kapwa taga-Concepcion, Tarlac.

Nabatid na dakong 6:15 ng umaga nang mawala sa kontrol si Sison sa kanyang motorsiklo hanggang masagi niya ang dalawa pang motorsiklo. (Leandro Alborote)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder