sharon_please-crop-out-the-signage-copy-copy

TINIYAK na sa amin ng isang taga-Star Cinema na out na si Sharon Cuneta sa bagong pelikulang gagawin nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Bagamat maganda sana ang magiging role ni Sharon, may nagpayo raw sa megastar na dapat ay mas malaki at mas pag-uusapan siya sa gagawin niyang movie comeback. Hindi raw makabubuti sa career niya ‘yung parang sahog lang siya sa isang sikat na tambalan.

Nangako naman daw ang Star Cinema na magkakaroon ng project si Ate Shawie, pero baka raw early next year na ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang nabanggit na pelikula ng LizQuen ang magsisilbing follow-up movie ng Everyday I Love You at Just The Way You Are na pawang box office hits.

Idinidirihe ito ng box office director na si Cathy Garcia-Molina at siyempre under ng Star Cinema. Ito ang pinagkakaabalahan ng LizQuen love team after ng kanilang top-rating teleseryeng Dolce Amore.

May follow-up teleserye rin sana agad ang LizQuen pero ang management na mismo ang nagdesisyon na dapat ay gumawa muna sila ng pelikula.

Sabi ng spy namin sa Star Cinema, tatapusin daw agad ang pelikula sa loob ng dalawang buwan at ipapalabas din agad sa taong ito. Dito daw natin malalaman kung aling pelikula ng mga sikat nating love teams ngayon ang magiging number one pagdating sa mga kinita ng mga pelikulang ipinalabas ngayong taon, huh!

Malampasan kaya ng bagong LizQuen movie ang P300M na kinita ng huling pelikula ng KathNiel (Barcelona) at P120M naman ng Aldub (Imagine You and Me)? (Jimi Escala)