TNT boss, nawindang sa pagkasilat ng Katropa sa Bolts.

May rigodon din sa kampo ng Katropa.

Mismong si coach Jong Uichico ay nagulat sa balitang nakarating na papalitan siya ni Nash Racela bilang head coach ng Talk ‘N Text sa susunod na season.

Pinangangasiwaan ni Uichico ang ensayo ng Katropa nitong Miyerkules nang matanggap ang balita na nagdesisyon ang management na palitan siya ni Racela, gumabay sa Far Eastern University sa kampeonato sa UAAP Season 78.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Hindi ko alam. Wala pang sinasabi ang management sa akin,” sambit ni Uichico.

Ayon sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa isyu, nadismaya umano ang TNT management sa malamyang kampanya ng Katropa – ang top seeded sa kasalukuyang PBA conference – kontra sa Meralco Bolts sa cross-over semifinal match up.

Ayon sa naturang opisyal, ipapahayag ng TNT ang desisyon sa pagtatapos ng kampanya ng FEU sa UAAP.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paghawak ng sabay sa koponan sa PBA at sa collegiate league.

“As of now, we’re practicing with coach Jong and we’re planning with coach Jong,” pahayag ni TNT manager Virgil Villavicencio.

Nagsimula bilang coach ng TNT si Uichico noong 2014. (Marivic Awitan)