AUBURN HILLS, Michigan (AP) — Ipinamalas nina Toronto guard Kyle Lowry at DeMar DeRozan ang kahandaan sa pagbubukas ng NBA season nang sandigan ang Raptors sa dominanteng 103-92 panalo kontra Detroit Pistons nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa preseason game.

Hataw si Lowry sa naiskor na 27 puntos, habang kumana si DeRozan ng 26 puntos. Miyembro ang dalawa ng US Team na nagwagi ng gintong medalya sa Rio Olympics basketball nitong Agosto sa Brazil.

Nanguna si Andre Drummond sa Pistons sa naiskor na 16 puntos at 13 rebound, habang kumubra si Kentavious Caldwell-Pope ng 16 puntos at tumipa sina Tobias Harris at Marcus Morris ng tig-14 puntos.

KNICKS 121, CELTS 96

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa Boston, niyurakan ng New York Knicks ang ‘Celtics Pride’ sa dominanteng 121-96 panalo.

Ratsada si Kristaps Porzingis sa naisalansan na 20 puntos, habang kumubra sina Kyle O’Quinn ng 13 puntos at Sasha Vujacic ng 12 puntos para sa Knicks.

Nagsalanan ng 17 puntos si Jaylen Brown sa Celtics, habang kumana sina Courtney Lee at Justin Holiday ng tig-11 puntos.