maja1-copy-copy

MARIING sinabi ni Maja Salvador na hanggang magkaibigan lang ang samahan nila ni John Lloyd Cruz. Kinumpirma rin ni Maja na itinuring niyang tatay-tatayan si Lloydie.

“Pareho kami ng handler sa Star Magic, alam naman nila ‘yun. Pareho kaming nasa pangangalaga ni Nanay Nenette (Rustia). Nag-umpisa ako 14 years old, ‘tapos from the start talaga siya (John Lloyd) ang nagga-guide sa akin.

Kumbaga, isa siya sa talagang nagbigay sa akin ng inspirasyon sa business na ‘to,” paliwanag ni Maja.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ng aktres, sa showbiz ay kailangang maging matapang siya. Sa kaliwat kanang isyung ibabato, hindi raw dapat magpatalo ang personalidad mo.

“Dapat sa mga isyung dumarating, eh, maging strong ang personalidad mo at parang magtitiwala at isa siya roon. Alam naman ninyong itay pa ang tawag ko sa kanya at ako naman, eh, baby girl .

“Pero ako siyempre, since I’m 28 years old, ‘yung pagtawag ko sa kanya ng itay at pagtawag sa akin ng baby girl, nalilimitahan,” sey pa ng aktres.

Ngayon, kailangan na niyang burahin ang pagtawag niya ng ‘itay’ kay John Lloyd Cruz.

“Sa totoo lang kasi, eh, na’patawag ako sa mga namamahala sa career namin at sinabihan ako to stop calling him itay.

Kumbaga, tama na raw at hindi na ako bata,” saad ng magaling na aktres.

“Kailangang mawala na ‘yung itay and baby girl. Kaya nakapag-post ako sa Instagram ng ‘Goodbye Itay, Hello Lloydie.’ ‘Yun lang ‘yun,” napangiting banggit niya.

Tulad ng lahat ng mga aktres, pangarap din niyang makatrabaho si John Lloyd Cruz.

“Sino ba naman ang ayaw na makasama ka sa pelikula niya? Kaya... ‘yun! Gusto ko siyang makatrabaho, kaya huwag ko na siyang tawaging itay. Kaya gusto ko talaga i-clear na single ako ngayon for the record.

“Dati, yes, nakikipag-date po ako, pero hindi naman exclusive talaga,” sambit pa ni Maja.

Dahil single, wala maka-date sa Star Magic Ball sa Sabado.

“Wala rin, pero okey lang naman,” kibit-balikat pang sabi ng magandang aktres. (JIMI ESCALA)