jc-copy-copy

USUNG-USO ang temang gay relationships sa mga serye at pelikula natin. Natutuwa ang ilang viewers sa bagong putaheng kanilang napapanood, iba sa usual na relasyong babae’t lalake. Patuloy na pinilahan ang Third Party nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby dahil sa relasyong man-to-man. Baklaan din ang storyline ng pelikula ni Anne Curtis kasama sina Dennie Trillo at Paolo Ballesteros.

Agad pinag-usapan at naging hot property ng Dos si JC Santos nang mauna nang mapanood sa Till I Met You dahil marami ang nakaka-relate sa kanyang role bilang si Ali.

Katunayan, karamihan sa mga nanonood ng Till I Met You ay nagsasabing mas kapano-panood at inaabangan daw nila ang karakter ni Ali kaysa sa mga bidang sina Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid).

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

“Well, ako lang, kung hindi ako kasali sa show, ang POV (point of view) ko sa character ni Ali, masyadong malakas ang kuwento niya,” pahayag ni JC sa isang panayam. “Kahit pangdalawang episodes lang dapat ang paglabas ni Ali sa pagkasulat sa kanya, ang lakas ng kuwento niya, eh, siya ‘yung mapapansin. ‘Tapos siyempre suporta pa nu’ng dalawa,” na ang tinutukoy niya ay ang JaDine.

Ano sa palagay niya ang nakikita kay Ali na gustung-gusto ng mga televiewers?

“Nakita mo siya mula pagkabata, eh. So, nakaabang ka sa buhay niya kung ano’ng mangyayaring transitions. ‘Tapos kung papaano ang relationship niya sa bawat characters,” sagot ni JC.

Complex character ang pagkakalarawan ni JC sa role niya na nitong nakaraang Martes ay natuklasan na ng heneral na ama (Robert Seña) ang tunay na kasarian.

Wala raw siyang ganitong experience in real life, kaya habang pino-portray si Ali sa Til I Met You, aniya’y, “Crazy.

It’s crazy kasi wala naman akong preparations for dramatic scenes like that. First time everything,” tila naaaliw niyang pahayag. (ADOR SALUTA)