HOW true na namamaga ang ilong ni Yuki Sakamoto kaya hindi nakasama sa pictorial ng Pinoy Boyband Superstar?

‘Di sinasadyang naitsika sa amin ng nakasabayan ni Yuki na nagpa-nose job siya bago sumali sa Pinoy Boyband Superstar at napansin nga namin na sobrang ganda ng ilong niya noong sumalang siya.

Naintriga tuloy kaming hanapin ang mga dating larawan ni Yuki kasama ang 1:43 band at totoo nga, medyo malapad ang dalawang tagiliran ng ilong niya noon.

“Oo, gusto niya Korean look, perfect ang ilong, kaya nagpa-nose job muna siya, ‘tapos may pictorial ang Pinoy Boyband Superstar para sa mga mag-a-audition, eh, hindi siya nakarating kasi namamaga ang ilong, bagong gawa,” kuwento ng kasabayan ni Yuki.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sakto rin na isa si Yuki sa mga modelong rumampa sa launching ng isang salon at nakita nga namin na sobrang ganda ng ilong niya ngayon na bumagay naman talaga.

Anyway, mukhang hindi yata pinalad si Yuki na makamit ang pangarap niyang maging miyembro ng bagong boyband ng ABS-CBN dahil nalaglag na siya sa top twenty.

Better luck next time. (Reggee Bonoan)