Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

12:30 n.h. -- Air Force vs Army (S Turf)

4 n.h. -- Coast Guard vs Air Force (V League)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

6 n.g. – UST vs Laoag (V League)

Napatatag ng University of the Philippines at BaliPure ang kampanya sa magkahiwalay na desisyon sa Shakey’s V League Reinforced Conference nitong Lunes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Dumaan sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang Lady Maroons para pabagsakin ang Laoag, 25-20, 27-25, 11-25, 25-20, para tuldukan ang two-game losing skid sa premyadong commercial volleyball league sa bansa.

Hataw sina Nicole Tiamzon at Marian Buitre sa naiskor na 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa UP.

“Talking kami ng team, meaning we have been discussing kung ano ang mga struggles namin,” pahayag ni UP coach Gerry Yee .

“Pinag-uusapan namin na hindi naman sinabing bawal kang magkamali, kasi kung hindi ka magkakamali hindi ka naman matututo. So we are trying to explain na ‘wag masyado i-pressure ang sarili.”

“Honestly, yes, we had three different talks discussing some issues. So meron tayong mga iki-clear out syempre pero parang positive naman. This game is an indicator so thankful kami na nakuha namin (ang panalo),” aniya.

Nanguna si Grethcel Soltones sa Laoag sa naiskor na 18 puntos, habang kumubra sina Aiko Urdas at Wenneth Eulalio ng 12 at 10 marker para sa Power Smashers na bumaba sa 2-2 karta.

Magaan namang ginapi ng BaliPure ang Philippine Air Force, 25-22, 25-19, 25-21.

Ratsada si American import Kate Morrell sa ikalawang sunod na panalo ng Bali Pure sa naiskor na 19 puntos, tampok ang 17 kill.

“We’re very, very happy with the win. Of course, we know that we still have a lot of things to improve on, and we want to keep on working on that,” pahayag ni Bali Pure veteran Charo Soriano.

“It was a good game for us. I think everyone was very in sync today.We were more consistent this game than the last few games that we’ve played and I think that’s a good sign also,” aniya.