181016_bbm-irene03_vicoy_page-2-copy

Nabigo ang Supreme Court (SC) na resolbahin ang legal issues sa pitong petisyon laban sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihimlay si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City.

Sa full court session kahapon, pinalawig ng SC ang ‘status quo ante order’ (SQAO) hanggang Nobyembre 8, kung saan hindi pa rin maililibing sa LNMB si Marcos.

Ayon sa source, walang desisyon ang SC sa mga petisyon dahil ang justice na inatasang gumawa ng draft decision, base sa isinagawang raffle, ay hindi nakapagsumite agad ng draft.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Dahil dito, ilang justices pa ang humiling ng panahon na pag-aralan ang draft.

Isang justice naman na nakapagsumite na ng kanyang opinyon ang sinasabing pabor sa Marcos’ burial sa LNMB.

Matapos ang sesyon kahapon, recess na ang SC para sa All Saints’ Day. Babalik sila sa Nobyembre 7, samantala sa Nobyembre 8 naman ang full court, kung saan dedesisyunan ang isyu sa Marcos’ burial.

Sa labas ng SC sa Padre Faura St., Manila, dumagsa ang Marcos loyalists na kalaunan ay sinamahan ng mga anak ni Marcos na sina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” at Ilocos Norte Governor Imee.

“We were hoping the SC decision would come out today,” ayon kay Bongbong. “In my opinion, the longer it takes for the justices to resolve the issue, the clearer it becomes that my father is entitled to the LNMB burial based on the applicable law,” dagdag pa nito.

Sinabi ng batang Marcos na naghintay na sila ng 23 taon kaya balewala para maghintay uli ng ilang araw.

(Rey G. Panaligan at Beth Camia)