maine-at-alden-copy

NAKATANGGAP kami ng email mula London na nagsasaad na tuloy na ang first ever radio show ng AlDub Nation sa United Kingdon na magsisimula sa Linggo, October 23, 3:00 to 5:00 PM UK time.

Noong nasa London si Alden Richards, nakausap namin through private messaging ang ilan sa mga administrator ng fan clubs niya roon at nabanggit nila na magkakaroon nga raw ng radio show sa UK na dedicated para kina Alden at Maine Mendoza at sa lahat ng kanilang fans doon.

Dagdag pang release nila, “Hosted by different ADN FCs (fan clubs) here in UK, namely, AlDub United Nations, Alden United Nations, Maiden England, Daddybaenatics UK (wow, may sariling fan club si Daddy Bae ni Alden), AlDub Eurozone and Maichard Republic. This will be heard regularly every Sunday. Project po ito ni Kuya Sonny Laragan, affiliated siya sa GMA News Team sa UK. Please check out this link, pinoyradiouk.com.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ayon pa sa kausap namin, magiging bahagi ng radio show ang ibang fan clubs na balak nilang i-feature sa interview nila sa radio. Sana ay magawan din nila ng paraan na makausap on air ang miyembro ng fan clubs naman dito sa Pilipinas.

Wish din nila na kung matutuloy ang bakasyon doon nina Alden at Maine sa end of the month, madalaw ng dalawa ang kanilang radio show.

Congratulations and good luck, AlDub Nation Radio Show and the people behind it. (Nora Calderon)