john-lloyd-copy

NANALONG Best Picture sa Los Angeles Philippines International Film Festival ang pelikulang Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz sa direction ni Erik Matti at produced ng Reality Entertainment.

Wala pang ibang detalye tungkol sa balitang ito, pero siguradong tuwang-tuwa ang buong team sa panibagong award at recognition na nakuha ng kanilang pelikula.

Maaalalang para sa role sa Honor Thy Father ay nagpakalbo si John Lloyd, at hindi maikakailang napakahusay niya sa role na nabiktima ng pyramiding scam. Naalala naming isa sa pinakamagandang bahagi sa movie ay ang eksena nina John Lloyd at ng child star na gumanap bilang anak niya na ginugupitan niya. (Nitz Miralles)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas