Isinugod sa ospital ang mahigit 60 mag-aaral sa elementarya at high school makaraang malason sa kinain nilang tanghalian sa kantina ng kanilang paaralan sa Barangay Handumanan, Bacolod City, Negros Occidental.

Nakaramdam ng pagtatae at pagsusuka ang mga estudyante matapos kumain nitong Biyernes ng tanghali ng fried chicken, halo-halo at juice na binili nila sa canteen ng hindi tinukoy na eskuwelahan.

Ayon sa report, isinugod ang 45 estudyante sa lying-in clinic at 20 naman ang dinala sa iba’t ibang ospital.

Kinuhanan na ng sample ang mga paninda sa canteen, gayundin ang inilalako sa harap ng paaralan, habang isasailalim naman sa laboratory examination ang mga nagtitinda upang matukoy kung ano ang nagdulot ng pagkalason sa mga biktima.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

(Fer Taboy)