BAGUIO CITY - Matapos pugutan ang isang empleyado ng Baguio City Hall na natagpuan nitong Miyerkules, pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang isang negosyante sa siyudad na ito, Huwebes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 9:00 ng gabi nitong Huwebes at kasama ang kanyang pamilya ay pauwi na si Dominic Fernandez Tan, 41, negosyante, sa San Carlos Heights, Barangay Irisan nang pagbabarilin siya ng dalawang suspek.

Binawian ng buhay si Tan dakong 11:49 ng gabi habang inooperahan sa mga tinamo nitong bala ng .45 caliber pistol sa katawan.

Naniniwala ang pulisya na posibleng may kinalaman sa droga ang pamamaslang dahil nasa drug watchlist si Tan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa drug watchlist din si Alfred Sabado Juquiana, 49, driver ng City Environment and Parks Management Office, na natagpuang tadtad ng saksak at walang ulo sa loob ng kanyang apartment sa Bgy. Upper Quezon Hill. (Rizaldy Comanda)