mark-neuman-copy-copy

NAGULAT si Mark Neumann sa rami ng naka-tag na write-ups sa kanya nang buksan niya ang Twitter account niya kamakailan. Tungkol sa pagiging leading man ni Jennylyn Mercado sa upcoming teleserye nitong My Love From The Star sa GMA-7 ang items.

 

“Ang daming nagta-tag po ng write-ups, actually hindi po namin alam ng manager (Gio Medina, may-ari ng lahat ng Artista Salon) ko, wala po akong kinalaman doon, basta in-open ko lang ‘yung Twitter ko, ‘tapos nakita ko nga ‘yung na-link sa akin,” kuwento ni Mark.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Klinaro ng binata na hindi siya nag-audition dahil, unang-una, “I’m still with TV5 po and I’m still their contract artist.” 

Nag-guest siya sa Karelasyon weekly drama ng Kapuso Network kaya raw siguro nadamay ang pangalan niya.

 

“Kaya siguro natsismis because nag-guest ako sa GMA,” sabi pa ng aktor.

 

May ideya si Mark kung ano ang My Love From The Star dahil nakikita niya ang mga link at natuwa na nababanggit ang pangalan niya.

 

“I’m in a different network, they still think of me, parang proud feeling kasi more of thinking about me,” saad pa ng binata.

 

Malapit nang matapos ang kontrata ni Mark sa Kapatid Network at sa ngayon ay wala pa siyang ideya kung ano ang next move ng TV5 o kung ire-renew pa siya.

Ang tanong namin, may offer ba ang GMA o ABS-CBN sa kanya?

 

“Nandoon pa kami sa respeto,” sagot ng manager ni Mark. “Kasi siyempre kung saan tayo nagsimula, tapusin natin kasi hindi naman magiging Mark Neumann ‘yan without TV5.

 

“Well, marami naman tayong kaibigan in both networks, madali naman kasi ‘yan kapag magaling ang artista kukunin at kukunin ng sinumang network. ‘Pagka alam nating wala, eh, di wala.”

 

Wala yatang ginagawa ngayon si Mark dahil walang entertainment department ngayon ang TV5.

 

“Meron po, Sine Squad, maraming nakalatag pa po,” pahayag ng manager ng aktor.

 

“May ginagawa po akong movie,” susog naman ni Mark, “‘yung Kamandag ng Droga po with Direk Carlo J. Caparas, kasama ko po si Ms. Lorna Tolentino, si Sir Boyet (de Leon), no idea po kung kailan ito ipalalabas. It’s all about drug in relation with what President Duterte is doing, change is coming nga, it’s an advocacy movie.”

 

Kaya follow-up question ay kung willing bang sumailalim sa drug test si Mark.

 

“Anytime po, right now?” natawang panghahamon din ng aktor na supportive pala sa pagsugpo ng droga sa bansa. “Opo, kasi however, we pointed out or look at it, whatever we analyze it, drug is still bad in anyway.”

 

Supportive rin ba siya na ibunyag sa publiko ng pangalan ng mga kapwa niya artista na sangkot sa droga?

“Well, that naman, it is hard if someone will be called out for their name and for example they been tested and positive. It’s a bit hard, you know, people still wants to seek justice and clarity, you know what I mean,” katwiran ng aktor.

 

Maganda ang katawan ngayon ng aktor na aminadong disiplinado pagdating sa diet.

 

Ayaw nang pag-usapan ni Mark ang tungkol sa pagkaka-link niya noon kay Pastillas Girl na si Angelica Yap.

(REGGEE BONOAN)