christian-julie-anne-copy-copy

MATAGAL na ring nagkakasama sa shows sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista, na nagsimula pa sa Party Pilipinas at Sunday All Stars. Nagkasama rin sila as segment hosts ng dance show ni Marian Rivera na Marian. Pero ngayon pa lang sila magsasama sa isang concert, sa When Julie Anne Meets Christian na gaganapin sa November 11, sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City, produced ng Dream Star Management at GMA Network.

Hindi na ipagtatanong ang boses ng dalawang ito na parehong produkto ng singing talent search, si Julie Anne sa Pop Star Kids at si Christian sa Star In A Million. Ang maganda, kahit hindi sila ang naging winner ng said contests, mas naging popular pa sila kaysa sa winners.

Pareho na rin silang may Diamond Record awards. Kaya si Julie Anne, tinawag nang Asia’s Pop Sweetheart at si Christian ay kinilalang Asia’s Romantic Balladeer. Tulad ng alam na ng lahat, kilalang-kilala siya sa Asia, especially sa Indonesia.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ano ang bagong mapapanood kina Christian at Julie Anne sa concert?

“May solo spots po kami and may numbers ding magkasama kami,” sabi nina Julie Anne at Christian. “We prepared a special production number na theatrical ang dating, na pinagsama namin ang love songs from the courtship stage to sweet-sweet-an, then to arguments and breakup, at finally, reconciliation. Lahat ng various emotions, pagdaraanan namin doon.”

Mabuti na lang, they are also into acting kaya walang problema ang dalawa. May bagong afternoon prime drama si Julie Anne na Pinulot Ka Lang Sa Lupa with LJ Reyes, Benjamin Alves at Jean Garcia. Nalinya naman si Christian sa stage plays at kasalukuyang may musical play, kaya pahinga rin muna siya sa taping ng epic-serye ng Encantadia. Pagkatapos ng play, balik-taping daw muli siya.

Si Marvin Caldito ang director ng kanilang concert at si Marc Lopez ang musical director. Tickets are now available sa Ticketnet.