GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 45-anyos na may-ari ng Internet shop at tauhan nito matapos silang matagpuan na nakagapos ang mga kamay at paa sa loob ng van na inabandona sa gilid ng highway sa Purok 7, Barangay Mataas Na Kahoy sa bayang ito, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Supt. Arlene Coronel, ng Nueva Ecija Police Provincial Office-Crime Laboratory Office, ang mga pinaslang na sina Resito Dela Cruz, 45, negosyante; at Alvin Libed, 37, computer technician, kapwa ng Bgy. Calaocan, San Jose City.

Sa ulat ng Gen. Natividad Police, dakong 6:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay nina Dela Cruz at Libed sa loob ng abandonadong Toyota Hi-Ace van na walang plaka.

Narekober sa loob ng sasakyan ang plakang PCO-970, certificate of registration nito na nakapangalan sa isang Ferdinand Domingo, cell phone ni Dela Cruz, at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder