Nalagpasan ni Julius Gonzales ng La Salle-Greenhills ang huling dalawang laro para maungusan si Chris Pondoyo sa juniors title ng Shell National Youth Active Chess Championship grand finals kamakailan sa SM Megamall Event Center sa Mandaluyong City.

Ginapi naman ni John Ray Batucan si Clyde Arellano sa eight-round para mabalewala ang kabiguan sa final round kontra Brylle Vinluan at makopo ang seniors plum.

Matikas namang winalis ni Daniel Quizon ang nine-round Swiss system tournament na itinataguyod ng Pilipinas Shell para makamit ang kampeonato sa kiddies division .

Nakisosyo sina Jerlyn San Diego ng First Uniting Christian School-Dasmariñas, Kylen Joy Mordido ng Dasmariñas National High School at Rowelyn Joy Acedo ng La Salle sa kiddies, juniors at seniors class sa female division, ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinangasiwaan nina GM Darwin Laylo; Gerboy Ortega, vice president for Human Resources ng Shell Philippines; Shell Philippines’ vice president for Manufacturing Edward Geuss, at Melanie Bularan, Social Investment and Social Performance manager of Shell Group of Companies, ang pamamahagi ng tropeo at cash prize sa mga nagwagi.