lira-danaya-copy

KINAGIGILIWAN gabi-gabi sina Mikee Quintos at Sanya Lopez ng televiewers sa Encantadia. Natanong namin ang ilan sa kanila, sa pamamagitan ng social media, at nakasubaybay pala sila sa dalawa hanggang sa Instagram posts ng mga ito.

Love daw nila ang bonding off-cam nina Mikee at Sanya na mahilig magkulitan. Madalas kasi silang magkasama sa mga eksena, tulad noong lumipad sila kasama ang Mulawin na si Lakan (Alden Richards) o iyong pakikipag-inuman nila kay Vish’ka played by Hollywood actor Conan Stevens.

Gumaganap si Sanya bilang si Sang’gre Danaya at si Mikee naman bilang si Lira, ang tunay na anak ni Amihan (Kylie Padilla). Part ng bonding nila sa set ang hilig nilang pagli-lip sync ng mga kanta. Ang in-upload ni Mikee na lip sync nila sa I Love You Always Forever ni Donna Lewis, umabot na sa 19,000 ang Instagram views.

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

Ang isa pang ikinatutuwa ng viewers sa character ni Lira, dahil galing siya sa mundo ng mga tao, nang dalhin siya ni Lakan sa Encantadia, dala-dala pa rin niya ang kanyang cellphone at mahilig siyang kumuha ng pictures at mag-selfie sa mga nakikita niya. 

Ang biruan tuloy ngayon sa Twitter, hindi ba nauubos ang load ni Lira sa Encantadia at lagi pa naman niyang gamit ito.

Gumagamit din si Lira ng terms sa mundo ng mga tao na ikinagugulat ng mga nakakasama niya. Tulad nang una niyang makita si Lakan, tinawag niya itong Birdman. Dahil nga sanay sa mundo ng mga tao, si Lira rin ang puwedeng yumakap sa mga taga-Encantadia. Nang mailigtas siya ni Lakan, niyakap niya ito ng pasasalamat. Ganoon din nang una silang magkita ng tunay niyang amang si Ybarro (Ruru Madrid) at iniligtas siya sa mga Hathor, niyakap din niya ito.

 

Nakakatuwa ang napakanatural na acting ni Mikee, tulad halimbawa sa eksenang nakikipaglaban siya, dahil hindi pa niya alam kung paano makipagtunggali, gumagamit siya ng pananggol sa sarili na alam niya sa mundo ng mga tao, kaya dumampot siya ng lupa at isinaboy sa mukha ng mga Hathor. 

Lagi tuloy excited ang televiewers/netizens ngayon sa pag-aabang kung anu-ano pa ang mga nakakaaliw na gagawin ni Lira sa number one primetime drama ng GMA-7. (NORA CALDERON)