Isasalang na sa plenaryo ang isang panukalang batas na naglalayong gawing regular ang casual employees ng gobyerno na nagtrabaho ng walang patlang sa loob ng limang taon.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, chairman ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, sampung senador na ang lumagda sa Senate Bill No. 1184, dahilan upang irekomenda niya na isalang na ito sa plenary.

Kuwalipikado ang casual employees na nagtrabaho ng limang taon sa national government at sampung taon naman sa mga kawani ng mga local government units (LGUs).

Ang mga sakop na empleyado ay hindi umano pwedeng alisin sa posisyon, maliban lang kung may usaping legal.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

(Leonel M. Abasola)