sunshine-at-macky-copy

KUNG pagbabasehan ang lumabas na picture ni Sunshine Cruz na ka-holding hands si Macky Mathay, mukhang magkarelasyon na nga silang dalawa at tuluyan nang naka-move on ang aktres sa paghihiwalay nila ni Cesar Montano.

Nakunan ng picture ang dalawa habang naglalakad sa hindi sinabi kung saang lugar, pero tila sa Bonifacio Global City (BGC/The Fort). Ang sabi ng mga nakakita kina Sunshine at Macky, bagay na bagay sila.

Kaya lang, may mga concerned fans si Sunshine sa balitang ito at gustong alamin kung hiwalay na sa asawa si Macky at ang asawa nito ay tila anak pa ni Ilocos Norte 1st District Representative Rodolfo Fariñas. May tatlong anak sina Macky at wife nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kapatid sa ama ni Ara Mina si Macky at friends sina Ara at Sunshine, kaya malamang si Ara ang dahilan kaya nagkakilala sina Sunshine at Macky. (Nitz Miralles)