zanjoe-angel-at-sam-copy

ANG tindi ng trailer ng The Third Party, at sa rami ng mga nag-aabang, pakiramdam namin ay panibagong box office hit ito ng Star Cinema dahil halos lahat ng nakapanood ay tawa nang tawa at nagsasabing, ‘panonoorin namin ito, grabe ang cute nilang tatlo.’

At take note, Bossing DMB, wala kaming narinig na negatibong reaksiyon sa The Third Party na idinirek ni Jason Paul Laxamana.

Parang ganito rin ang narinig naming feedback sa trailer ng Love Is Blind ni Kiray Celis na si JP din ang direktor at naging box office hit nga kaya naman masaya that time ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Aliw na aliw ang lahat sa batuhan ng linya nang tatlong bida ng The Third Party dahil napapanahon daw talaga ngayon lalo na sa ganitong uri ng relasyon.

Sabi ng isang movie fan, “Actually, kung wala lang girlfriend si Sam (Milby), bagay sila ni Angel (Locsin), pero bagay din sina Zanjoe (Marudo) at ‘Gel.”

Naku, eh, may joke nga sina Angel at Zanjoe na sila lang ang nagkakaintindihan kaya hindi namin alam kung simula na ba ito ng kanilang pagpapa-cute sa isa’t isa. Nang tanungin kasi namin ang dalawa, ngumiti ang aktor, samantalang ang sabi lang ni ‘Gel, hindi naman siya naghahanap (ng lovelife) ngayon at kaibigan daw niya si Z, etcetera.

Sige, aabangan na lang namin kung may na-develop pagkatapos maipalabas ang The Third Party sa Oktubre 12.

(Reggee Bonoan)