Patuloy pa rin sa pag-aalburuto ang Bulusan Volcano at Kanlaon Volcano matapos makapagtala ng magkakasunod na pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sa inilabas na latest bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), aabot sa walong volcanic quake ang naramdaman sa paligid ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Ipinaiiral pa rin ang level 1 alert status sa bulkan, kung saan nangangahulugan na nagkakaroon ng hydrothermal process sa ilalim nito na posibleng magdulot ng steam-driven eruptions sa susunod na mga araw.

Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko, partikular na ang mga turista, na huwag lumapit o pumasok sa ipaiiral na 4-km.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

permanent danger zone (PDZ) mula sa radius ng bulkan dahil sa bantang panganib nito.

Nakapagtala naman ng apat na pagyanig ang Phivolcs sa Kanlaon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Bagamat walang naitalang steaming activity, pinag-iingat pa rin ng ahensya ang publiko na huwag pumasok sa 4 km. PDZ ng bulkan bunsod ng bantang minor ash eruptions. (Rommel P. Tabbad)