mark-anthony-kasama-ang-dalawang-policewoman-copy

HINDI namin alam kung matatawa o maiinis sa litrato sa social media na napapagitnaan si Mark Anthony Fernandez ng dalawang policewoman na siyempre pang kuha sa presinto nang maaresto ang aktor.

Nag-viral ang naturang picture, nakarating kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa at pinagpapaliwanag ang dalawa, pero posible raw silang sampahan ng administrative case.

Kaugnay ng balita kay Mark, nakunan ng picture ang pagdalaw ng ka-live in niya sa kulugan. Sabi ng mga nakakita, naiyak ang babae habang kausap si Mark sa loob ng kulungan.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Sa isang interview sa ABS-CBN, nabanggit na komukonsulta ng lawyer si Lorna Tolentino, stepmom ni Mark, para alamin kung na-violate ba ang human rights ni Mark. Wala kasi itong kasamang legal counsel nang imbestigahan kaya mag-isang sinagot ang mga tanong ng mga pulis na nag-imbestiga sa kanya.

Samantala, dumalaw na kay Mark ang inang si Alma Moreno pero hindi muna nagpa-interview sa media pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang panganay. (Nitz Miralles)