“O BLESSED Rosary of Mary, sweet chain which unites us to God, bond of love which unites us to the angels, tower of salvation against the assaults of hell, safe port in our universal shipwreck, we will never abandon you.” Ang panalangin na ito ni Blessed Bartolo Longo, ang apostol ng Rosaryo, ay naging panalangin ng bawat Kristiyano, na itinuturing ang pagdarasal ng Banal na Rosaryo bilang paraan para mas mapalapit sa Diyos, sa tulong ng gabay at inspirasyon ng Pinagpalang Birheng Maria.
Ngayong araw, sa pagdiriwang natin ng Kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary, madidiskubre muli natin ang kahalagahan ng pagsangguni kay Maria para sa ating pagdarasal sa tulong ng pagbigkas ng Banal na Rosaryo.
Ang Banal na Rosaryo ay panalangin na nakasentro sa buhay ni Hesus kasama ang kanyang ina na nanindigan sa kanya sa iba’t ibang pangyayari sa kanyang buhay—masasayang kaganapan, nakatutuwang okasyon, mga nakalulungkot na sandali, at matatagumpay na kabanalan. Panalangin ito na nakabatay sa mga ebanghelyo ni Saint John Paul II. Ito ay pagninilay-nilay na nakatuon sa Diyos at hindi kay Maria. Ang tanging papel lamang ni Maria ay ang pangunahan at gabayan tayo kay Hesus, na tanging tagapagitna sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan. Sa pagbigkas at pagninilay-nilay sa mga misteryo ng Banal na Rosaryo, dinadala tayo ni Maria sa misteryo ng buhay ni Kristo at tinutulungan tayo na makibahagi sa malalalim na katotohanan.
Sa maraming okasyon, ipinaalala ni Pope Francis sa mga Kristiyano na dasalin ang Banal na Rosaryo para gapiin ang masasamang elemento sa mundo sa kasalukuyan. Ginagabayan, aniya, ng Pinagpalang Maria ang mundo sa pakikipaglaban nito sa pagitan ng kabutihan at kasamaan: “Our Mother represents us. She is our Sister, our first Sister to be granted redemption and taken to Heaven.”
Sa buwan na ito ng Banal na Rosaryo at partikular ngayong araw na ipinagdiriwang natin ang kanyang kapistahan, pagsikapan nating dasalin bawat araw ang mga misteryo ng Banal na Rosaryo. Magnilay-nilay tayo sa misteryo ng pagmamahal ni Kristo para sa sanlibutan at sa lahat ng nilikha at makiisa sa kanya at kanyang minamahal na ina sa pagdarasal sa Diyos para sa ating sarili, sa lipunan, at para sa lahat.
Nawa’y maging paalala ang Rosaryo sa pagiging mahabagin ng Diyos na perpektong pinatunayan ni Hesukristo na buong lugod na inialay ang kanyang buhay sa krus. Nawa’y lagi tayong kaawaan at ipagdasal ng Ina ng Awa sa Ama ng Kahabagan. Our Lady of the Rosary, ipanalangin mo kami.