jaclyn-at-andi-copy-copy

PAREHONG nakatanggap ng unsolicited advice mula sa netizens sina Jaclyn Jose at Jake Ejercito na tigilan muna ang pagpo-post ng picture ni Ellie at message sa bata para magkaroon ito ng private life.

Gayahin daw nila si Andi Eigenmann na simula nang ma-interview si Max Eigenmann at ibinuking kung sino ang tunay na ama ng anak, hindi na nag-post ng picture ni Ellie.

Ang daming nakabasa sa heartwarming message ni Jake sa anak and as of the latest count, umabot na sa 90,817 ang likes at 2, 246 naman ang comments.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinundan ang message ni Jake ng maikling mensahe rin ni Jaclyn para sa apo na, “I will protect you with my life.”

Pinayuhan din sina Jaclyn, Jake at Andi na humingi ng apology kay Albie Casiño na ginulo nila ang buhay at naapektuhan nang husto ang career nang idawit nila.

As we go to press, hindi pa ginagawa ng tatlo ang suggestion ng netizens at lalo na ng fans ni Albie na mag-sorry sila sa aktor. (NITZ MIRALLES)