Ipagbawal ang pagtatapon ng mga grocery, fastfood restaurant, at iba pang kumpanya, ng mga pagkaing mapapakinabangan pa at sa halip ay i-donate ang mga ito sa charities upang matugunan ang kagutuman ng 2.6 milyong Pilipino.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, sa pamamagitan nito mapipigilan ang pagkain ng mga maralita ng “pagpag” (pagkaing itinapon, pinulot at niluluto ulit), at mababawasan ang tapong pagkain.

Binanggit niya ang ulat ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology, na nag-aaksaya ng mahigit 296,869 metric tons ng bigas bawat taon ang mga Pilipino. Ayon naman sa Social Weather Station (SWS) tinatayang 2.6 milyong pamilya ang nagugutom dahil sa kahirapan.

Binigyang-diin ni Pangilinan na ito ay batas na sa France at Italy. - Leonel M. Abasola

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal