Ipinag-utos ng Commission on Audit (COA) sa mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ibalik sa pamahalaan ang P27 milyong excessive allowance ng mga opisyal nito noong 2012.

Ito ay matapos na ibasura ng COA ang isinampang petition for review ng mga opisyal ng MWSS na sinasabing nakinabang sa nasabing pondo.

Ang pagkakabasura sa naturang apela ay nangangahulugan ng pagkatig ng COA sa nauna nang inilabas na desisyon ng Corporate Government Sector-Cluster director na nagpapatibay sa apat na notices of disallowance (NDs) laban sa 31 na opisyal ng MWSS.

Kabilang sa mga opisyal sina MWSS Deputy Administrator for Engineering and Operations Leonor C. Cleofas at Legal Services Department Manager Darlina T. Uy; Merilyn Ortha, Evangeline Dacanay, Loida Ceguerra, Lilia Rondario, Ma. Florita Inzon, Mario Rodrigo Sejera, Arturo Tuason Jr., Grace Acosta, Stella Cruz, Arnulfo Agluba, Pedro Nool Jr., Feliciano Talastas, Noel Yamzon, July Cajuigan, Veronica Cleofas, Edgardo Cordova, Salome Cuevas, Florencia Domagsang, Miriam Fulgueras, Erlina Isip, Iris Mendoza, Francisco Perez, Edna Roldan, Lilybeth Santos, Jocelyn Toledo, Marivic Ascan, Maria Mendoza, Editah De Guzman at Ramon Fabul. - Rommel P. Tabbad

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20