Nagdadalawang-isip ang foreign investors na magnegosyo sa Pilipinas dahil sa mga walang prenong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilang pagtatanggol sa kanyang kampanya laban sa droga.

Binanggit na dahilan ng mga analyst at negosyante ang kawalang katiyakan sa mga polisiya ni Duterte at ang pabagu-bago nitong mga pahayag, sa mabilisang pagbebenta ng shares sa stock market at pagbaba ng halaga ng piso.

Sinabi ng ilang eksperto na pinababagal ng ‘unpredictability’ ang longer-term foreign investment sa Pilipinas. Nakadagdag sa bumababang kumpiyansa ang mga litrato at ulat sa media tungkol sa pamamaslang sa drug dealers at users na umabot na sa mahigit 3,000 simula Hulyo 1.

“We can all deal with risks. We can put measures in place to provide for risks,’’ sabi ni Guenter Taus, pinuno ng European Chamber of Commerce of the Philippines. “But uncertainty is a factor that we do not like in business, and that is exactly what we’re experiencing right now because we don’t know where we are heading.’’

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Ayon kay Taus, ilang kumpanya na nagbabalak na magtayo ng negosyo sa Pilipinas ay mas pinipili na ngayong maghintay at magmasid muna sa mga susunod na mangyayari sa ilalim ng pamahalaang Duterte.

Sinabi niya na ang investors na kabado sa Pilipinas ay maaaring maghanap ng ibang bansa sa Southeast Asia upang makapasok sa common market ng rehiyon na mayroong 600 milyong mamamayan. - AP