BEDFORD, N.H. (AP) – Binuhay ni Republican presidential candidate Donald Trump ang sex scandal ni dating US president Bill Clinton sa pagsisikap na makabawi sa paglampaso sa kanya sa debate noong Lunes ni Democrat presidential candidate Hillary Clinton.

Nagbabala si Trump sa mga botante nitong Huwebes na kapag nanalo si Hillary ay magbabalik ang mga eskandalo ni Bill sa White House.

“The American people have had it with years and decades of Clinton corruption and scandal. Corruption and scandal, banat ni Trump. “An impeachment for lying. An impeachment for lying. Remember that? Impeach.”

Ang tinutukoy ni Trump ay kasong impeachment laban kay Bill sa House noong 1998 kaugnay sa naging relasyon nito sa White House intern na si Monica Lewinsky, at iba pang mga isyu. Inabsuwelto ng Senate si Bill.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ilang sandali bago ang mga pahayag ni Trump, positibo ang mensahe ni Hillary sa mga tagasuporta sa Des Moines, Iowa. “I want this election to be about something, not just against somebody,’’ aniya.