Ni NORA CALDERON

alden-sa-studio-tourNASA London na si Alden Richards at ngayong gabi (oras dito sa atin, London time: 3-5 PM) ang concert niyang “At Last In London” na gaganapin sa Troxy Theater.

Friday pa dumating ang Pambansang Bae sa Heathrow International Airport at napakaraming fans ang sumalubong sa kanya na ang iba ay galing pa sa iba’t ibang lugar ng United Kingdom. Ginanap agad ang isang press conference na covered ng GMA Pinoy TV para ipaalam na dumating na sa naturang bansa si Alden.

Bago siya umalis ng Pilipinas last September 29, na-interview si Alden ng 24 Oras at sinabing excited na siyang makita ang ilang lugar na puwede niyang puntahan sa London, dahil first time niya roon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Wish din niyang makapanood ng musical play na Les Miserables at makita si Rachelle Ann Go bilang si Fantine, dahil nami-miss na rin niya ang kaibigang mahusay na singer at international stage actress na matagal niyang nakasama sa Sunday Pilipinas.

Pinaka-excited si Alden sa four-day vacation nila ni Maine Mendoza, simula October 30, na ibinigay sa kanila ng Eat Bulaga at GMA, na not-related sa work, kaya ii-enjoy lang nila ang isa’t isa, their first time. Dadalhin ni Alden si Maine sa sa mga lugar na una nang napuntahan niya sa London. Pupunta rin sila ng Germany, at kung hindi kami nagkakamali, si Maine naman ang magsasama kay Alden sa original home ng Pink Sisters in Munich, Germany na isang Filipina ang Mother Superior. Napuntahan naman ito ni Maine nang mag-shooting sila sa Italy ng Imagine You & Me na hindi naman nakasama si Alden dahil nauna na itong bumalik ng Pilipinas.

Hindi inaksaya ni Alden ang kanyang libreng oras pagkatapos makapagpahinga after ng presscon. Sumama siya sa tour at nakapunta siya ng Buckingham Palace, nakalakad sa pedestrian lane sa Abbey Road na nilakaran ng The Beatles noon, sa Harry Potter Studio Tour na first time niyang makainom ng Butterbeer na isini-serve sa studio at sa Warner Bros. Studio Tour.

May time nga siyang manood ng Aladdin, Les Miserables at Harry Potter and The Cursed Child dahil nagpabili na siya sa advanced ticket bago pa mang ito na-sold-out.

Sa October 4 pa ng gabi ang balik ni Alden sa bansa at siyempre pa, miss na miss na niya ang kanyang bibi girl (Maine) na lagi naman niyang kausap sa cellphone.

Pagbalik sa bansa, paghahandaan naman ni Alden ang launching at pagri-release ng kanyang bagong album sa GMA Records, ang Say It Again. Wala man sa bansa, ngayong tanghali, mapapanood pa rin si Alden sa kanyang “DJ Bae” segment sa Sunday Pinasaya kasama si Jerald Napoles na itineyp na niya bago siya umalis, special guest nila si Sang’gre Pirena na kasama niya sa Encantadia.