sabrina-m-copy

NAKIUSAP ang dating showbiz reporter na si Arnold Bigornia, na dating malapit na kaibigan ni Sabrina M, Maricaren Pallasigue sa tunay na buhay na nakapiit ngayon sa kulungan, na sana raw ay maghinay-hinay naman ang mga taong nanghuhusga sa dating sexy star.

Ayon kay Arnold, sana ay maging mahinahon ang haters sa mga ipino-post na pambabatikos kay Sabrina M na matatandaang ilang beses ding nabigyan ng pagkakataong magbida sa sexy movies.

“Alang-alang lang sana sa anak ni Sabrina na siyam na taong gulang pa lang na talagang sobrang nasaktan sa nangyari sa ina niya. Siyempre nababasa rin niya ngayon ang mga komento ng mga galit kay Sabrina. Kaya sana huwag namang masyadong sobra,” sey ni Arnold.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Tanggap na rin naman daw ni Sabrina ang kasalanan o pagkakamali niya, kaya sana raw ay itigil na ang panghuhusga sa kaibigan.

“Nababasa naman nilang nakikipagtulungan na rin naman si Sab (tawag niya kay Sabrina M) sa ginagawang imbestigasyon ng Quezon City Police District. Nabalitaan na rin naman nating may mga pangalan na rin daw namang binanggit siya ng mga kapwa artista na kasama sa mga binebentahan niya ng mga ipinagbabawal na gamot,”sey pa ni Arnold.

Matatandaang dinakip si Sabrina ng mga tauhan ng Quezon City Police District nitong nakaraang Linggo dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi siya pinayagang magpiyansa dahil matibay umano ang ebidensiya lalo’t nakunan siya ng surveillance video na nagpapakitang gumagamit siya ng droga.

Ang pangamba lang ng mga taong nagmamalasakit kay Sabrina ay ang anak niyang menor de edad na babae pa naman dahil nababasa raw nito ang mga pambabatikos at panlalait sa kanyang ina. (JIMI ESCALA)