KABUWANAN na pala ngayon ni Toni Gonzaga. Kaya pala hindi na siya napapanood lately sa Pinoy Big Brother at si Bianca Gonzales na ang host.
“Anytime this week,” ang sagot ni Toni nang tanungin namin sa premiere night ng My Rebound Girl kung kailan siya manganganak.
Kahit hirap at may spotting na ay pinilit pa rin ng TV host/actress na makarating sa premiere night ng pelikula ng kapatid na si Alex Gonzaga.
“Siyempre support ako, first (solo) movie niya ‘to. Kaya after nito, tatakbo na ako ng hospital,” pabirong sabi ni Toni habang katabi ang asawang si Direk Paul Soriano at mommy ni Direk Paul.
Sabi ni Mommy Pinty nina Toni at Alex ay sa St. Lukes Global City manganganak si Toni at excited na sila dahil unang apo ito sa pamilya nila.
Tinanong namin si Mommy Pinty kung ano ang magiging pangalan ng kanyang unang apo.
“Naku, sila (Paul at Toni) na lang mag-announce, sa kanila ‘yun, eh,” kaswal na sagot sa amin.
At nang tanungin kung hindi na ba hinihigpitan ni Mommy Pinty ang bunsong anak sa pakikipaglaplapan ng movie house, bagay na hindi nagawa noon ni Toni:
“Bahala na siya, matanda na siya, 28 na,” say ng cool na cool pa ring si Mommy Pinty. (REGGEE BONOAN)