MAY nagbanta sa buhay ni Alden Richards at ng kanyang pamilya, at hindi iyon pinalampas ng ama ng aktor na si Richard Faulkerson Sr. Ipinost niya sa Facebook ang, “Bash niyo na ako kakayanin ko pa po ‘yan... ‘wag lang threat sa buhay namin... NBI na po ang bahala diyan.”

Malinaw ang sinabi ng ama ni Alden na nagsumbong na siya sa NBI kaya tiyak na matutunton kung sino ang walang magawa na nagbanta sa buhay ni Alden at ng kanyang pamilya. Malalaman din kung ano ang rason at bakit galit ang taong ito sa aktor at sa buong pamilya niya para pagbantaan sila.

Samantala, pati kay Direk Mark Reyes, director ng Encantadia, may mga nagpapa-care off din ng pamba-bash kay Alden. Nag-react si Direk Mark at sinagot ang bashers ng aktor.

“Anyone who bashes Alden, or anyone else for that matter, will get it from me and the other admins. You will be banned.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Way before ALDUB. Alden has always wanted to be part of Encantadia. And his loyalty to the show stands to this very day. He is very thankful to be part Encantadia 2016.

“I have worked with him for years and he truly deserves where he is now. He gave justice to the role of Lakan.”

“He did not expect any special treatment and neither was he given one. Nagpupuyat din siya katulad ng iba at wala siyang complaint kapag naka-flying harness siya. Which is painful and difficult to do.

“He deserves your support. Encantadia is all about giving second chances and facing adversity and accepting diversity. If you do not like this principle, you are not worthy being called ang Encantadik.

“At sa mga bata sa page na ito. Matuto kayong rumespeto sa iba.”

Pati sana ang mga nagrereklamong fans ni Alden na maiksi raw ang labas nito sa Encatandia at tuwing sa “aabangan” lang napapanood, nag-react na rin si Direk Mark. Hindi kasi makapaghintay ang iba, eh, may story na sinusunod.

Alangan namang madaliin ang story para lang madalas at marami ang mga eksena ni Alden. (NITZ MIRALLES)