paolo-at-lj-copy-copy

NAGUGULAT ang mga bumibisita sa Instagram (IG) ni Paolo Contis dahil sweet daw pala ito at parang walang katapusan ang pagpapahayag ng pag-ibig sa girlfriend niya ngayon na si LJ Reyes. 

Nakakapanibago pa na mas marami pa yatang ipino-post si Paolo na photos nila ni LJ kesa kay LJ sa social media account naman nito.

Isang halimbawa ang ipinost ni Paolo na picture nila ni LJ at nilagyan niya ng caption na, “Finally!!! After weeks of being busy, quality time naman with my mahal... @lj_reyes I missed you love!!!”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Meron pang, “Thank you for coming to my life and for staying with me... ikaw ang lakas ko and nothing can ever come between us... You are a blessing to me and I thank God for you everyday... Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong maganda para i-bless Niya ako ng ganito! Pero alam ko na hindi ko ‘yun pababayaan... I love you!”

May isa pang mas sweet na caption/message si Paolo kay LJ: 

“I was once on top of the world but I lost my way and fell... After all the storms I had to endure in my life, I’ve finally found my way back and saw my sunlight... I know it’s hard to reach for the sky again, but I would die trying to give it to you my love... I love you and thank you for being my strength...”

Hindi rin naman nakakaligtaang mag-promote ni Paolo ng Alyas Robin Hood dahil marami rin siyang ipinost na photos na kuha sa taping ng action series na nagugustuhan ngayon ng viewers.

Ang ganda nga ng caption ni Paolo sa picture nila ni Dingdong dahil sabi niya, “Ang aking matalik na kaibigan sa tunay na buhay, at matinding kaaway sa telebisyon... @dongdantes let’s do this bro!!!

Nakaka-two weeks pa lang sa ere ang Alyas Robin Hood, kaya hindi pa lumalabas ang pagkakontrabida ni Paolo kay Dingdong. Hintayin daw ang mga susunod na episode at magagalit ang viewers sa gagawing pang-aapi at pananakit na gagawin ni Daniel Acosta (Paolo) kay Pepe de Jesus (Dingdong). (Nitz Miralles)