nichole-copy

MASAYA ang epic theme party ni Nicole Richie para sa kanyang 35th birthday.

Nag-party ang mom of two ng buong gabi sa disco-themed na pagdiriwang niya sa Los Angeles noong Biyernes kasama ang kanyang A-list friends na kinabibilangan nina Kate Hudson, Jessica Alba, at sister-in-law na si Cameron Diaz.

Agad napukaw ng birthday girl ang atensiyon ng mga tao sa kanyang gold-sequined halter bodysuit, at tumalima rin ang kanyang mga kaibigan sa tema sa kanilang disco-inspired looks.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ipinakita ni Hudson ang kanyang Almost Famous character sa selfie kasama si Richie na nilagyan niya ng caption na, “Happy birthday, gorgeous!”

Nagbahagi rin si Alba ng snapshots, kabilang ang isa na kasama ang lahat ng girls, ang kanyang asawa na si Cash Warren, at ilan pang kalalakihan. (ET Online)