lovi-poe-set-copy-copy

SA The Fort sa Taguig City may condominium unit si Lovi Poe, pero lilipat siya sa may Commonwealth, Quezon City.

Biniro tuloy siya ng mga bumisita sa set nila ng primetime drama series niyang Someone To Watch Over Me (STWOM) kung kasama ang ‘move’ na ito sa tuluy-tuloy nang ‘pagmu-move on’ niya sa break-up nila ni Rocco Nacino.

“Hindi po, matagal na akong naka-move on but this time, I cannot take it anymore, ang grabeng traffic situation mula sa lugar ko to my place of work,” nakangiting sagot ni Lovi. “Kapag po kasi 6:00 AM ang call time ko, kailangang at 4:00 AM, ready na ako to leave the house, para hindi ako mahuli sa call time ko. Iyong sa halip na itutulog ko pa, kailangang kumilos na ako para unahan na ang maagang traffic. Kaya nag-decide akong mag-transfer na sa may Commonwealth. Saka gusto ko ring pumasok sa isang village na maganda sa paningin, na pare-pareho ang mga bahay na nando’n.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nakabili si Lovi ng house with three bedrooms pero ginawa na lamang niyang two bedrooms para magkasya lahat ng mga gamit niya. May mga kasangkapan siyang imi-maintain pero bumili na siya ng bagong furnitures na babagay sa kanyang new house. Iga-garage sale na lamang niya ang mga gamit na hindi na niya kailangan. Of course, hindi niya maiiwanan ang pets niya -- four dogs and one cat.

“Ready na raw ang house para lipatan ko by the end of October, pero gusto ko munang maayos na maayos na ito kaya siguro before Christmas na ako lilipat sa bago kong bahay, excited na ako,” natatawang wika ni Lovi.

It’s good to see Lovi na napapahalakhak sa ilang issue na itinanong sa kanya ng press, dahil kapag napapanood siya gabi-gabi sa primetime drama nila nina Tom Rodrguez at Max Collins, halos wala nang ginawa ang character niyang si Joanna kundi umiyak sa mga eksena dahil ramdam ang sakit ng loob niya kapag nakikita siyang nasasaktan sa nangyayari sa asawa (TJ/Tom) na may early onset ng Alzeihmer’s disease.

Kakayanin ba niya ang mga pinagdadaanan ng character niya kung mangyayari sa kanya sa tunay na buhay?

“Parang hindi ko po kakayanin, pero sa story, thankful ako sa mga kaeksena ko na mahuhusay lahat, lalo na si Tom na siyang nagbibigay sa akin ng drive. Humuhugot ako sa kanya sa emotions, we motivate together. Si Joanna kasi, martir na asawa, pero palaban, kaya ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang asawa ni TJ. May times namang bumabalik ang alaala ni TJ at siya pa rin ang mahal nito, kaya lang, most of the time, ang nasa isip niya ay si Irene (Max) na dati niyang girlfriend na iniwanan siya. Wait na lang ninyo ang mga eksenang magkakasama na kami sa iisang bahay, mas mawiwindang kayo para kay Joanna. “

Ang nakakaloka lang, dahil sa kapani-paniwalang acting nina Lovi at Tom as wife and husband, naba-bash ang aktres ng netizens. May nagsabi pang dapat daw siyang mag-apologize kay Carla Abellana, ang girlfriend ni Tom sa tunay na buhay.

“Thankful po ako kay Carla na very supportive pa sa amin ni Tom at alam na kasama iyon sa trabaho namin. Kaya no need na mag-apologize ako sa kanya.”

Napapanood ang STWOM sa primetime slot ng GMA-7 pagkatapos ng Alyas Robin Hood. (NORA CALDERON)