PUMANAW na si Bill Nunn, ang beteranong aktor na napanood sa mga Spider-Man (trilogy ni Sam Raimi), Do The Right Thing ni Spike Lee at He Got Game.

Inihayag ng kanyang asawa na si Donna na pumanaw si Nunn nitong nakaraang Sabado sa kanilang tahanan sa Pittsburgh, sanhi ng cancer.

Matagal na panahong nanirahan sa Pittsburgh at nagtapos sa Morehouse College, nagsimula sa pelikula si Nunn noong 1980s, una sa School Daze ni Lee, sunod sa Oscar-nominated na Do the Right Thing.

“Radio Raheem is now resting in power,” saad ni Spike Lee sa Instagram, na tinatawag din si Nunn na “My Dear Friend” at “My Dear Morehouse Brother.”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Radio Raheem will always be fighting da powers dat be. May God watch over Bill Nunn.”

Gumanap si Nunn sa napakaraming iba pang mga pelikula at programa sa telebisyon, kabilang ang New Jack City at Sirens. (AP)