backstreet-boys-copy

NAGBIGAY ng patikim ang The Backstreet Boys para sa kanilang nalalapit na Las Vegas residency sa kanilang surprise performance sa iHeartRadio Music Festival nitong nakaraang Sabado.

Tuwang-tuwa ang nasorpresang fans nang magtanghal ang boy band sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, ng kanilang biggest hits nitong huling dalawang dekada.

Nagkaroon ng short set ng kanilang hits sina Nick Carter, A.J. McLean, Kevin Richardson, Brian Littrell, at Howie Dorough at sinamahan din sa entablado ng country stars na sina Tyler Hubbard at Brian Kelly ng Florida Georgia Line para sa epic rendition ng kanilang smash hit noong 1997 na Everybody (Backstreet’s Back).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pumutok ang balita tungkol sa Las Vegas residency ng Backstreet Boys sa The Axis Theater ng The Planet Hollywood, noong Biyernes nang lumabas ang grupo para ipahayag na Larger Than Life ang magiging pamagat ng kanilang bagong show.

“If you’ve ever been to a Backstreet Boys show, it’s going to be that on steroids,” ani Littrell sa pahayag.

Maaari nang makabili ng ticket ng Larger Than Life simula sa Oktubre 1. Gaganap ang mga unang show sa Marso at Hunyo 2017.

Noong Sabado, ibinahagi ni McLean sa ET ang tungkol sa nalalapit na Sin City shows at ibinunyag kung paano naimpluwensyahan ni Britney Spears ang kanilang desisyon para pumirma at maranasan ang residency.

“She literally said, ‘This is the best job ever!’” pagbabalik-tanaw ni McClean. “She said that it’s hard work, but easy in the sense that you get to be with your family more than when you’re on tour, and have somewhat of a normal life.” (ET Online)