UMAASA ang mga grupong makakalikasan na makakabilang sa mga prioridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng suporta sa kanilang petisyon na naghahangad na papanagutin ang iba’t ibang korporasyon sa greenhouse gas (GHG) emissions ng mga ito na nagpapalubha sa climate change.

“His (Duterte) support will be a big boost to present and future efforts on addressing climate change,” sinabi ni Zelda Soriano, legal at political advisor ng Greenpeace Southeast Asia-Philippines, na isa sa mga partido na naghain ng petisyon noong nakaraang taon sa Commission on Human Rights (CHR).

Inihayag niya na ang mga kapwa niya nagpetisyon mula sa Greenpeace ay umaasa rin ng parehong aksyon mula sa Pangulo.

“If he (Duterte) expresses support for survivors, victims and people who find ways of addressing injustice from carbon pollution, that’ll help much,” aniya.

Para gunitain ang unang anibersaryo ng pagkakahain nito, pinangunahan ng Greenpeace nitong Biyernes sa Metro Manila ang isang briefing tungkol sa petisyon laban sa 47 kumpanya sa mundo na nagbubuga ng greenhouse gases.

Nasa pito sa mga nabanggit na kumpanya ang mayroong sangay sa Pilipinas, ayon sa Greenpeace.

“The petition requested investigation of carbon majors for human rights violations or threats of violations resulting from impacts of climate change by failing to reduce emissions despite knowing these significantly contribute to climate change,” anang Greenpeace.

Bukod sa pagiging pinakamalaking investor-owned fossil fuel sa mundo at gumagawa ng semento, sinabi ng Greenpeace na responsable ang carbon majors sa lumalalang GHG emissions sa mundo.

Inihayag ng Greenpeace na hinahamon din ng petisyon ang mga kumpanya na magkaroon ng mga plano kung paano mababawasan, masosolusyunan, at maiiwasan ang epekto ng greenhouse gases sa karapatang pantao.

“Those companies must present roadmaps covering the shift to clean technology and assistance to communities bearing the brunt of climate change,” sinabi ng Greenpeace climate justice campaigner na si Ana Abad sa briefing.

Dagdag niya, nakapagbigay na ang CHR ng mga kopya ng petisyon sa kinauukulang kumpanya at sa iba pang partido.

Nagpahayag ng mabilisang aksyon ang coordinator ng Asia People’s Movement on Debt and Development (APMDD) na si Lidy Nacpil para sa pagpapagaan sa GHG emission, sinasabing batay sa pinakabagong magagamit na datos ay wala nang masyadong oras na natitira para mapigilan ang climate change.

Kung mabibigong tumugon ang mga dawit na kumpanya, sinabi ni Nacpil na ipagpapatuloy pa rin nila ang kampanya para papanagutin ang mga ito. (PNA)