NAGKASUNDO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) 7 at ang Cebu City Government na magsagawa ng joint inventory sa lahat ng wildlife sa Cebu City Zoo sa Lunes, Setyembre 26, iniulat Philippines News Agency (PNA).
Nangyari ang kasunduan matapos ang isang technical conference nitong Biyernes sa DENR 7 - Community Environment and Natural Resources (CENR) office – Cebu City upang talakayin ang lahat ng isyu tungkol sa management at administration ng zoo.
Pinamahalaan ni CENR Office for Cebu City Raul C. Pasoc ang meeting katuwang sina DENR 7 Enforcement Division Chief Ariel C. Rica, DENR 7 Licenses, Patent and Deeds Division Chief, Clea Arceño at Cebu City representative Ms. Nida Cabrera.
Sa isinagawang meeting, pinagdiinan na ang Cebu Zoo operation ay legal at kumpleto sa lahat ng permit ngunit may isyu kaugnay sa tamang pag-aalaga ng mga hayop at paglilinaw sa bilang ng mga namamatay na hayop.
”Our recent inventory showed different results compared to our last record on July 4, 2016. We also made a comparison with the existing data by the Cebu City Government and again showed different results. So to ensure we have a reliable data at hand, it was agreed to conduct a joint inventory, as soon as possible,” pahayg ni Rica.
Ipinahayag ni DENR 7 OIC Regional Director Emma E. Melana ang kahalagahan ng dokumento bilang ebidensiya upang maiwasan ang pananagutan.
“Both the DENR and the Cebu City care for the wellness of our wildlife within the Cebu Zoo. We will do our best to make sure we provide the needed assistance on this ongoing matter,” ayon kay Melana.
Ayon kay Pasoc, kinakailangang masiguro ang maayos na kalagayan ng mga hayop at nakiusap sa Cebu City Government na kumuha ng mga eksperto para sa kalusugan at kalagayan ng mga hayop.
Nakatakda namang magsagawa ng training at seminar ang DENR-7 para sa lahat ng Cebu zoo keepers.
“We also urged the Cebu Zoo management to submit a regular quarterly report to DENR to avoid experiencing the same problem in the future,” ayon kay Pasoc.