miguel-bianca-1-copy-copy

NATAON na 18th birthday ni Miguel Tanfelix nang ganapin ang grand presscon ng Usapang Real Love rom-com series nila ni Bianca Umali with Jak Roberto as the their third wheel na airing na simula ngayong Linggo (September 25), 5 PM, kaya habang hinihipan ni Miguel ang 18 candles sa regalong cake sa kanya ng URL staff ay kinantahan siya ng mga kasama sa show at ng press.

“Yes, debut niya po ngayon,” masayang sabi ni Bianca na 16 pa lang ngayon kaya ayon mismo kay Miguel ay hindi pa niya nililigawan although possible naman daw pagtuntong sa tamang edad ng kanyang ka-loveteam. ‘Yun na!

Sa Q&A portion, natanong ni Yours Truly sina Bianca at Miguel kung kaninong yapak ang kanilang gustong sundan... ang Dingdong-Marian o ang Alden-Maine love team?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Wala daw ang mabilis na sagot ni Bianca, sabay sabing, ”Thank you po, pero mas mabuti na po ‘yung pagdating ng tamang panahon ay meron din magsabing ang mga yapak ng Bianca-Miguel love team ang kanilang gustong sundan. Mas mabuti na rin po ‘yung magkaroon din kami ng sarili naming yapak o tatak sa showbiz po.”

Agree si Miguel sa sinabi ng ka-love team.

“Nice question po,” sabi ng binata. “Both naman po sila ay may pinatunayan na dito sa showbiz pero happy po kami kahit sino sa kanila ang masundan naming yapak, pero if possible po, gusto namin ni Bianca na makagawa ng sarili naming yapak sa showbiz hangga’t maari po sana na maybe sa tamang panahon, ‘yun po.”

 

Ang URL ay isang mini-series na kumbinasyon ng social-media at romantic comedies sa isang game-changing TV endeavor tampok ang iba’t-ibang Kapuso love teams. Ang bawat istorya ay ipapalabas sa apat na weekly episodes.

Tampok sa unang istorya ang “Dream Date” na pagbibidahan nina Miguel at Bianca at ka-love triangle nila si Jak Roberto. Makakasama rin nila sina Yayo Agila, Lloyd Samartino, Jade Lopez, Ces Quesada at Gene Padilla mula sa direksiyon ni Direk Real Florido. (MERCY LEJARDE)