NASANAY ang press people na mapanood sa TV na laging nakahubad si Jak Roberto, kaya nagulat pa ang mga reporter na nakitang balot na balot ang aktor sa presscon ng Usapang Real Love (URL).

Pabirong sabi tuloy ni Jak, nagkakasakit siya tuwing nakadamit siya sa mga TV show niya.

“Mga TV show” ang binanggit namin dahil bukod sa URL, napapanood din si Jak sa Dear Uge at sa Bubble Gang. Minsan, lumalabas din siya sa Sunday Pinasaya, kaya si Jak na ang may pinakamaraming shows sa Kapuso stars.

“Masaya ako sa shows na ibinibigay sa akin ng GMA-7, pero gusto kong magbida dahil gusto kong ipakita ang talent ko.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isa pang dream ko, si Jennylyn Mercado ang makapareha ko ‘pag nagbida ako. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako titigil hangga’t hindi ko naaabot ang dream ko,” wika ni Jak.

Ginagampanan ni Jak sa “Dream Date” episode ng URL ang ka-love triangle nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Parang bida na rin siya rito, kaya nagpapasalamat sa network.

Hindi maiwasang matanong si Jak tungkol kay Sanya Lopez na kapatid niya at isa sa mga bida saEncantadia. Natutuwa siya na unang nabigyan ng chance ang kapatid niya na magbida, wala siyang inggit dito at naniniwalang darating din ang tamang panahon para sa kanya. (Nitz Miralles)