lizquen-copy

PAGKATAPOS ng Dolce Amore, sa big screen naman susubukan ang LizQuen tandem dahil pelikuka ang follow-up project nina Liza Soberano at Enrique Gil sa direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Bagamat nakatrabaho na ng dalawa si Direk Cathy sa seryeng Forevermore at sa Dolce Amore, looking forward at excited ang LizQuen sa una nilang big screen project with her.

Pero magkakaroon daw ng pressure sa kanila ito to think na it’s their first movie with the “terror” but blockbuster director.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Kasi lahat ng movie ni Direk Cathy nagiging hit so ini-expect ng tao na pati ‘yung sa amin so kailangan namin mag-level up,” pahayag ni Liza sa storycon ng gagawing movie.  

Ani Enrique, karangalang mabigyan ng chance to work with Direk Cathy for big screen.

“Gusto lang din namin na maging maganda kasi malapit sa puso ni Direk Cathy ang story na ito,” sey ng aktor.

Sa unang patikim sa istorya, ito’y isang romance-comedy at gaganap si Enrique ng kakaibang role, isang womanizer who is into real estate at gaganap namang quirky girl si Liza.

Inamin ni Liza na kailangan niyang paghandaan nang husto ang role niya dahil hindi naman daw siya ang funny.

“Actually, kanina ko pa nga iniisip kung papaano. Kailangan kong manood ng maraming-maraming rom-com movies,” sabi ng teen actress.

Excited naman si Enrique sa plot ng story at dapat daw itong abangan ng kanilang fans.

 “It’s very now, ‘yung mga situations nila it’s very young and nai-experience ng mga kabataan sa generation na ito na hindi na-experience before. I think it’s going to be interesting,” sey pa ni Enrique. (ADOR SALUTA)